Skip to main content

Courage California Voter Guide Privacy Policy

Ang Website ay hindi nilayon na humingi ng anumang uri ng impormasyon mula sa mga bata na wala pang 13 taong gulang, at idinisenyo namin ito upang pigilan ang aming sinasadyang pagtanggap ng impormasyon mula sa mga bata na wala pang 13 taong gulang kapag hinihingi ang impormasyon na may kaugnayan sa edad.  Kung malalaman namin na hindi sinasadyang nakatanggap kami ng personal na makikilalang impormasyon mula sa isang gumagamit na wala pang 13 taong gulang bilang bahagi ng Website, buburahin namin ang naturang impormasyon mula sa aming mga talaan. 

Seguridad 

Ang Website ay may ilang mga hakbang pang-seguridad upang protektahan laban sa pagkawala, maling paggamit o pagbabago ng impormasyong nasa aming kontrol. Ang mga computer system ay may limitadong akses na nakalaan lamang para sa mga tao at organisasyong kinakailangan para sa wastong paggana nito. Ang akses na ito ay nalalapat sa lahat ng elektronik at pisikal na mga hakbang pang-seguridad. Ang lubos na sensitibong datos, kabilang ang impormasyon ng credit card, ay karagdagang sinisiguro sa pamamagitan ng paggamit ng encryption, gaya ng Secure Sockets Layer (SSL) protocol. Ang aming mga server ay matatagpuan sa isang nakasara at seguradong kapaligiran. 

Mga Link 

Maaaring magbigay ang Website ng mga link papunta sa iilang iba pang mga website na ang mga patakaran sa privacy ay hindi namin kinokontrol. Ang Courage California, na nagbabayad at nag-awtorisa sa Website na ito, ay hindi responsable para sa nilalaman o mga patakaran sa privacy ng ibang mga website. Kapag nag-access ka ng ibang website sa pamamagitan ng mga link sa Website na ito, ang paggamit ng anumang impormasyong ibibigay mo ay pinamamahalaan ng patakaran sa privacy ng operator ng website na binibisita mo, kaya mangyaring tiyaking basahin ang mga pahayag sa privacy para sa bawat website na binibisita mo.  Kung ang isang gumagamit ay nagba-browse sa Do Not Track mode, kokolektahin lamang ng website ang iyong personal na makikilalang impormasyon kung kusang-loob mong ibigay ang impormasyong iyon.

Mga Katanungan 

Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa aming patakaran sa privacy, ang impormasyong nakolekta namin mula sa iyo online, ang mga gawi ng Website na ito o ang iyong pakikipag-ugnayan sa Website na ito, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa voterguide@couragecampaign.org.

Petsa ng Bisa: Pebrero 5, 2020

Posted 2020-02-05